I received this SMS from a friend:
Pagiging single ay masarap..
solo mo tym mo,
walang dumadagdag sa problema..
di ka obligado mag text..
ang pagiging single talaga ay masarap..
pero di ko sinabi na MASAYA..
from a single's forum BENEFITS OF BEING SINGLE:
- u get to focus on something u want to do...
- u get to go out with friends anytime u want...
- ur not answerable to anybody...just ur parents...hehehe
- u get to go overtime with ur work
- u get to meet alot of people (guys and girls alike)
- u get to roam around the city without thinking na may magagalit sayo kasi naglalakwatsa ka....
- and most especially....u have all the freedom u want
dagdagan ko pa....
- di mo kelangan magreport minu-minuto kung nasaan ka na
- di mo kelangan magpaalam kung may pupuntahan ka
- di mo kelangan ang opinyon nya tungkol sa suot mo
- pwede kang magsabi ng "Sama ko!" anytime
- free kang gawin anuman ang gustuhin mo (like enroll in a driving school, learn to cook, bake, etc)
- pwede ka nilang i-link kahit na kaninong "available"
- hindi mo kelangan alamin kung anong magiging reaction ng bf/gf mo pag nagpagupit o nagpakulot ka ng buhok
- di mo kelangan bumili ng gift kapag bday ng bf/gf mo
kasi nga wala ka naman bf/gf... hehe
Kapag may kaibigan kang ikakasal... ikaw at kung kelan ka susunod ang siyang madalas na maging paksa ng usapan. Kahit nga pasko at bagong taon at mga reunions, madalas kang matanong, "Kelan ka mag-aasawa?" O kaya, kapag may nakasalubong kang kaibigan na matagal mong di nakita, eto ang tanong agad: "May asawa ka na?"... hehehe
Yung iba naman na kakilala mo, ayun! Aligagang-aligaga (busy) sa paghahanap ng pwedeng i-match sa iyo... merong tipong "boy-next-door" ang hitsura, minsan kulang na lang eh pati ang "boy" ng kapitbahay nyo ay ireto sa iyo... may "cute" at meron din namang "nakakata-cute". Pati nga nanay ng kaibigan mo eh ipinaghahanap ka... hehehe...
Natataranta ba sila na baka mahuli ka sa byahe? Samantalang, ikaw eh eto, nagpupuyat sa kasusulat ng blog entries, natutulog, kumakain, lumuluwas at umuuwi pag gabi... Patuloy pa rin ang buhay.
Sa mga nagtatanong, masaya ba ang pagiging single? OO naman... masaya ako eh.
At sa mga nagtatanong ulit, pinangarap ko bang maging single for life? HINDI.
Isa pang tanong, "may balak ka bang mag-asawa?" OO naman.
Ang sabi ng iba, "baka kasi mataas ang standard mo". Ang tanong, alam ba nila ang standard ko? May nagtanong na ba kung anong standard ko? hehehe
Ang sabi ng iba, "baka naman pihikan ka?". Ay oo naman... alangan naman pumili ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko... hehehe
Naalala ko ang biro sa akin ng dati kong officemate na si Manny, "Dapat maglagay ka na ng SIGNBOARD sa harap ng bahay nyo, "WANTED: Husband. No Requirement basta lalaki. Benefits: Lot with Title" (hindi ko na maalala kung ano pa yun ibang benefits na sinabi nya.. hehehe)
Well, hindi ako yung klase ng babae na "ligawin" as in araw-araw eh may umaakyat ng bahay (kasi wala kaming hagdan? hehehe). Pero may mga nagtangka naman (kahit konti). May sobrang kulit, ayun nabusted tuloy. hehehe... May foreigner pa nga... busted din, muslim eh. hehehe
Tapusin na natin ang entry na ito, at ako'y inaantok na.
Para sa akin, masaya ako sa estado ng buhay ko.. sa pagiging single. Kung nangangarap ako na ikasal at magka-asawa, oo naman. Siguro, di pa lang dumarating yun tamang lalaki para sa akin (pero, sana nama't isinilang na siya! sana.. sana... hehehe). Maaaring pareho kaming "under construction" pa. Inihahanda para maging maayos ang buhay may asawa. Hindi ko rin alam, baka nga maging "single for life" ako. Only God knows and I trust Him.
Ang punto ko lang naman... "Be happy in whatever stage of life you maybe in right now. For who knows, God will bless you with that GOOD THING you were praying for, when He sees that you are contented and thankful for who you are and where you are now."
Single life may be only a stage of a life's journey, but even a stage is a gift. God may replace it with another gift, but the receiver accepts His gifts with thanksgiving. This gift for this day. The life of faith is lived one day at a time, and it has to be lived -- not always looked forward to as though the "real" living were around the next corner. It is today for which we are responsible. God still owns tomorrow. - From "Let Me Be A Woman" by Elizabeth Elliott
2 comments:
mukang kailngan talaga magpuyat para sabhin mo ang nsa loob mo noh? hehe.. kasi di ka makakatulog pag di mo inilabas..hehe..anyway rose, ang lahat nman eh may dahilan... at ang lahat eh darating in God's Time...
Hi Manny,
OO naman, darating din ang panahon... gaya ng kanta ni aiza seguerra, "pagdating ng panahon..." hehehe.. mukhang paparating na ang panahon na iyon.. nakikini-kinita ko na.. hahaha :) Thanks.
Post a Comment