August 2, 2008

Single Life

I received this SMS from a friend:

Pagiging single ay masarap..
solo mo tym mo,
walang dumadagdag sa problema..
di ka obligado mag text..

ang pagiging single talaga ay masarap..


pero di ko sinabi na MASAYA..

from a single's forum BENEFITS OF BEING SINGLE:

  1. u get to focus on something u want to do...
  2. u get to go out with friends anytime u want...
  3. ur not answerable to anybody...just ur parents...hehehe
  4. u get to go overtime with ur work
  5. u get to meet alot of people (guys and girls alike)
  6. u get to roam around the city without thinking na may magagalit sayo kasi naglalakwatsa ka....
  7. and most especially....u have all the freedom u want

dagdagan ko pa....

  • di mo kelangan magreport minu-minuto kung nasaan ka na
  • di mo kelangan magpaalam kung may pupuntahan ka
  • di mo kelangan ang opinyon nya tungkol sa suot mo
  • pwede kang magsabi ng "Sama ko!" anytime
  • free kang gawin anuman ang gustuhin mo (like enroll in a driving school, learn to cook, bake, etc)
  • pwede ka nilang i-link kahit na kaninong "available"
  • hindi mo kelangan alamin kung anong magiging reaction ng bf/gf mo pag nagpagupit o nagpakulot ka ng buhok
  • di mo kelangan bumili ng gift kapag bday ng bf/gf mo

kasi nga wala ka naman bf/gf... hehe

Kapag may kaibigan kang ikakasal... ikaw at kung kelan ka susunod ang siyang madalas na maging paksa ng usapan. Kahit nga pasko at bagong taon at mga reunions, madalas kang matanong, "Kelan ka mag-aasawa?" O kaya, kapag may nakasalubong kang kaibigan na matagal mong di nakita, eto ang tanong agad: "May asawa ka na?"... hehehe

Yung iba naman na kakilala mo, ayun! Aligagang-aligaga (busy) sa paghahanap ng pwedeng i-match sa iyo... merong tipong "boy-next-door" ang hitsura, minsan kulang na lang eh pati ang "boy" ng kapitbahay nyo ay ireto sa iyo... may "cute" at meron din namang "nakakata-cute". Pati nga nanay ng kaibigan mo eh ipinaghahanap ka... hehehe...

Natataranta ba sila na baka mahuli ka sa byahe? Samantalang, ikaw eh eto, nagpupuyat sa kasusulat ng blog entries, natutulog, kumakain, lumuluwas at umuuwi pag gabi... Patuloy pa rin ang buhay.

Sa mga nagtatanong, masaya ba ang pagiging single? OO naman... masaya ako eh.

At sa mga nagtatanong ulit, pinangarap ko bang maging single for life? HINDI.

Isa pang tanong, "may balak ka bang mag-asawa?" OO naman.

Ang sabi ng iba, "baka kasi mataas ang standard mo". Ang tanong, alam ba nila ang standard ko? May nagtanong na ba kung anong standard ko? hehehe

Ang sabi ng iba, "baka naman pihikan ka?". Ay oo naman... alangan naman pumili ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko... hehehe

Naalala ko ang biro sa akin ng dati kong officemate na si Manny, "Dapat maglagay ka na ng SIGNBOARD sa harap ng bahay nyo, "WANTED: Husband. No Requirement basta lalaki. Benefits: Lot with Title" (hindi ko na maalala kung ano pa yun ibang benefits na sinabi nya.. hehehe)

Well, hindi ako yung klase ng babae na "ligawin" as in araw-araw eh may umaakyat ng bahay (kasi wala kaming hagdan? hehehe). Pero may mga nagtangka naman (kahit konti). May sobrang kulit, ayun nabusted tuloy. hehehe... May foreigner pa nga... busted din, muslim eh. hehehe

Tapusin na natin ang entry na ito, at ako'y inaantok na.

Para sa akin, masaya ako sa estado ng buhay ko.. sa pagiging single. Kung nangangarap ako na ikasal at magka-asawa, oo naman. Siguro, di pa lang dumarating yun tamang lalaki para sa akin (pero, sana nama't isinilang na siya! sana.. sana... hehehe). Maaaring pareho kaming "under construction" pa. Inihahanda para maging maayos ang buhay may asawa. Hindi ko rin alam, baka nga maging "single for life" ako. Only God knows and I trust Him.

Ang punto ko lang naman... "Be happy in whatever stage of life you maybe in right now. For who knows, God will bless you with that GOOD THING you were praying for, when He sees that you are contented and thankful for who you are and where you are now."

Single life may be only a stage of a life's journey, but even a stage is a gift. God may replace it with another gift, but the receiver accepts His gifts with thanksgiving. This gift for this day. The life of faith is lived one day at a time, and it has to be lived -- not always looked forward to as though the "real" living were around the next corner. It is today for which we are responsible. God still owns tomorrow. - From "Let Me Be A Woman" by Elizabeth Elliott

July 20, 2008

Badminton 101 (Friendship 101)

Last Friday, 18 July 2008 our division had a Badminton Tournament. Whoah! Such a big name "Tournament"! But basically, it was just a fun game. I'm a badminton player since I was in High School and then when I went to College, I took it as one of my P.E. subjects. But, no, don't get me wrong! It still doesn't mean that I'm a great player at that!

NOON: Ang aming playing court nung ako'y High School ay ang kalsada sa tapat ng bahay ng aking lola! Larong kanto, ika nga! Habang ang aking raketa ay nabili lamang sa tindahan ng Evelyn's (ang school and other supplies store sa aming bayan sa Bulacan...) at ang shuttlecock namin ay plastik na kapag malakas ang hangin.. siguradong iiskor ka dahil di matatantya ng kalaban mo kung san babagsak. At kung minsan nama'y babalik sa iyo ang bola ng hindi naman tinira ng kalaban (Whew!) hehehe

NGAYON: Kuntodo porma, ang raketa ay Wilson o di kaya'y Yonex (na hiniram lang din naman sa kaibigan...). White mini-skirt at kulay asul na Penshoppe t-shirt plus Adidas na rubber shoes (hiram lang din!) hehehe. Inisip kong bumili sana ng rubber shoes na pang-badminton (yun may gum sole, sabi ng salesman!) para sa araw na iyon, (naks! ang yaman!), ngunit wala naman akong magustuhan. Kaya nanghiram na lang ako sa aking kaibigan (buti na lang at meron pa siyang isang rubber shoes na gagamitin!).

Mula ata Martes, ang PAKner kong si Papsi ay inaasar na ako. Ayaw daw niya akong PAKner. Ang gusto niyang maging partner ay yun partner ng gusto niyang partner ko! (ang gulo ba? hehehe) Basta, ayaw nya akong PAKner!

Huwebes. Kami'y magkasabay kumain ng merienda, kasama ang iba pang katropa. Yung gusto niyang maging partner ay nag-backout na, dahil nagkasakit ang anak. Ngunit ayaw pa rin niya sa akin. Aba! Sumasama na ang loob ko ha! Parang hindi na ito biruan lamang. Kaya nasabi ko sa kanya, "Papsi ha, malapit ng sumama ang loob ko sa iyo! Malapit na akong mapikon! Ayaw mo ba talaga sa akin? Sige, di na lang ako maglalaro bukas!" Yun ay birong may halong katotohanan. Sapagkat, malapit na talaga akong mapaiyak ng mga oras na iyon. (Hmmm... lam mo yun feeling busted ka? O yun nireject ka ng kaibigan mo?) Yun ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon. Pero, sige tuloy pa rin ang biruan namin.

Biyernes ng umaga. Naglabas na ng official line-up ang aming organizer. Whoala! Hmmm... eh ang pumalit sa gusto niyang maging partner ay ang dati niyang ka-loveteam (biro lang po...). This is my redeeming time! I dared him if he still wants to change partners (ang tapang ko! kasi alam kong wala siyang lakas ng loob gawin yun sa mga pagkakataong iyon hahaha). So it leaves him no choice but to play with me as his Pakner! (LOL!)

Oras na ng pagtutuos, wala na ang sama ng loob ko sa aking PAKner. Unang laro namin, ang kalaban namin Burt and Erick na sa tingin ko ay malakas sa amin. But who cares? The Care Bears? haha! Let's dance papsi! (Ang yabang naka-iskor kasi! hahaha)
We enjoyed the game even if we lost. Not bad! At least we had fun! We had another game, this time with Nanie and Eyen, but we also lost. We had fun still.

Sabi ni Jacq (isa sa juvah girls), dapat daw ay ipa-frame ko ang picture naming ito ng aking PAKner, kasi ang dami daw pinagdaanan. Natuto din ako dito sa kaganapang ito, "A friend loveth at all times." Maaaring may maganda namang motibo si Papsi sa pagpipilit niya na iba na lang ang maging partner ko. Sadya lang kung minsan, ako'y pikon (hehehe). Siguro, kaya din ako nasasaktan kasi hindi alam ni Papsi, pinapili ako between him and Franz.. siyempre, siya ang pinili ko, dahil alam kong mag-eenjoy akong maglaro dahil kaibigan ko ang PAKner ko.

Mababaw lang siguro itong pinagdaanan namin bilang magkaibigan, pero dadaan at dadaan talaga sa pagsubok ang friendship ng kahit na sino at iyon ang magpapatibay sa inyong pagkakaibigan. Ang mahalaga sa bandang huli, "you will still stay friends, di ba papsi?"

A friend loves at all times. - Proverbs 17:17

more ISD Badminton Pictures at this link.