October 12, 2008. Linggo na naman. Ito ang araw ng pagsamba at muling pagkikita-kita naming mga magkakasama sa church. Pagkatapos ng service ay nag-aya akong kumain sa Chowking. Treat ko!
Habang kaming lahat ay kumakain, nabanggit na maganda ang 'Eagle Eye'.
"Uy, maganda daw yun, nood tayo?" ang sabi ko.
"Nood tayo, sama ka Jay?" ang tanong niya sa isang kaibigan namin.
"Tara, nood tayo..", ang sabi ko pa.
"Ahm, hindi ako pwede eh..", ang sagot ni Jay.
Akala ko ay hindi na kami tuloy, kasi kaming dalawa na lang ang manonood kung sakali. Pagtapos ng aming pagkain at uuwi na sana. Lahat ng aming mga kasama ay sumakay na ng van. Iniisip ko kung tuloy pa ba o hindi na ang aming panonood.
"Ano? Tuloy tayo?", ang tanong niya sa akin.
Inisip ko na wala namang masama kung manonood kami na kaming dalawa lang. Magkaibigan lang naman kami, di ba? At dahil na rin sa gusto kong mapanood ang Eagle Eye ay pumayag ako. Nagpaalam kami sa iba pa naming kasama.
Sumakay kami ng jeep papuntang SM. Ngunit, di pala showing dun ang Eagle Eye. Tiningnan pa rin namin kung ano ang iba pang pwedeng panoorin. Nakabili na kami ng ticket at papunta na doon sa Cinema, nang mapansin ko ang poster ng Mirrors.
"Yan na lang kaya ang panoorin natin? Mukhang mas maganda yan kesa dito sa panonoorin natin.", ang sabi ko sa kanya. "Pwede pa kayang papalitan itong movie tickets?"
"Sige, tanong natin.", ang sagot niya.
Hindi ko alam kung talagang ganon ang kalakaran pero pumayag naman ang takilyera. Kaso lang maghihintay pa kami ng isang oras bago ang next screening ng Mirrors. Nagpasya kaming maglibot na muna ng mall. Pumunta rin kami ng PCBS. At dahil sa kakilala niya yun nagtitinda roon ay binati niya ito.
"Sya ba ang lagi mong kinukwento sa akin?" ang tanong nito sa kanya. Hindi ko narinig na sumagot siya, at siyempre hindi ko alam kung umiling siya o tumango, dahil sa nakatalikod ako sa kanya.
"Ay, hindi ako yun. Pero kwento mo sa akin at kilala ko yun kung sino," ang sagot ko.
Habang kami ay nagba-browse ng mga libro, bigla na lang niyang nabanggit na ang "love" daw ay hindi naman hinahanap, kung minsan ay magugulat ka na lang at bigla na lang itong nangyayari. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin noon at hindi ko rin naman tinanong.
Ayan, nakalipas na ang kulang isang oras at kami ay manonood na ng mirrors.
Movie trailers pa lang ang ipinapakita ng kami ay pumasok ng sinehan. May ipinakitang trailer ng isang suspense movie, biglang hinila yun paa ng babae. Nagulat ako, sabay siko ko sa kanya ng nanginginig pa. Natawa siya, sabay tapik sa ulo ko na waring pinapayapa ako.
Nag-enjoy naman ako sa panonood ng Mirrors. Umuwi na kami. Hinatid niya ako hanggang sa sakayan ng tricycle.
Pagdating ko ng bahay ay nakatanggap ako ng text message mula sa kanya, "Nag-enjoy ako, next time ulit!".
"Ako rin nag-enjoy, salamat."
February 10, 2010
Mirrors
words by Zha-Zha on Wednesday, February 10, 2010 0 comments
Labels:
love,
love story
February 7, 2010
Tayo Na?
October 5, 2008. Papunta ako sa kusina ng aming church nang madaanan ko siya, isang matagal ng kaibigan na nakababata sa akin ng sampung taon. Nagtetext siya sa kanyang cellphone.
"Text ng text, dami talagang chicks," ang biro ko sa kanya at nagpatuloy ako sa paglalakad patungong kusina.
"Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh!", ang sagot niya.
Nabigla ako, ngunit nasa mood akong magbiro kaya't sinakyan ko ang biro niya sa akin. "Mahal din naman kita, ah!" (Ang nasa isip ko ay pagmamahal sa isang kapatid at kaibigan lamang.) Ngunit di ko alam ang dahilan kung bakit dinagdagan ko pa ang aking sagot ng, "O eh pano yan? Di tayo na?" Sabay tawa ng malakas.
Bigla siyang tumayo, sabay sabi ng, "Oo ba, ano i-announce ko na ba?"
"Ok ka lang? Joke lang yun noh!", ang nabibiglaanan kong sagot.
Pagkatapos nito ay tumuloy na kaming dalawa sa meeting. Bago magsimula ang meeting ay pabulong na tinanong niya sa akin, "Sabihin ko na ba sa kanila?"
"Ang alin?", nakalimutan ko na ang mga nangyari.
"Yun tungkol sa ating dalawa...", ang sagot niya.
"Huh? Joke lang kaya yun," ang tugon ko na nanlalaki pa ang mata.
Pagtapos ng meeting ay dumalaw kami sa isang kasamahan sa church na nagdaraos ng kanyang kaarawan. Kasama namin ang iba pa naming mga kaibigan.
Tinutukso pa niya ako sa isang kasama namin sa church. May nabanggit siyang, "kung ayaw mo, ako na lang", na akin namang ibinibilang sa mga pagbibiro niya. Pagkatapos kumain ay umuwi na kami.
At inakala ko ngang biruan lang ang lahat dahil sa lumipas ang isang linggo na wala naman kaming communication.
The Lord God said, "It is not good for the man to be alone. I will make a helper suitable for him." - Genesis 2:18
words by Zha-Zha on Sunday, February 07, 2010 0 comments
Labels:
love,
love story
January 31, 2010
May Lovelife na... SA WAKAS!
Matagal na rin ang nakalipas mula ng ako ay huling sumulat dito sa aking blogsite. Marami siguro ang nainip sa tila naudlot na pagkwekwento ko kung paanong ang Diyos ay nagsimulang magsulat ng aking lovestory... Naks! SA WAKAS! May lovelife na for the first time in history... hehe Muli ang aking paumanhin sa mga nagbabasa, naging busy lang sa aking lovelife... sorry na... at para naman makabawi sa matagal ninyong paghihintay, ay eto na ang aking pagbabalik.
God is faithful! I can testify on that. Way back in 2002, I received a confirmation from the Lord that I will get married. I waited... and waited... and waited.. and waited... hahaha! It seemed sooooooooo long that sometimes I almost gave up. Yup, I was on the verge of accepting that I'll be single all my life, my only prayer then was that God will sustain me and give me joy kahit na mag-isa lang akong haharap sa aking future. But still, I have my faith on Him, for I know that the One who promised is faithful indeed! One time, I listed down my requirements of the One I am asking from God and here goes my requirements' list:
- Born-again Christian
- Loves me
- Sincere
- Faithful
- Loves his family
- Confident
- Happy person
- Financially capable to support a family
- Has dreams in life
- Responsible
- Respects me and is proud of me
It was sometime June 2008, nang itanong sa akin ng isang kasamahan sa church kung ano daw ba ang qualification na magugustuhan ko, at ipinakita ko sa kanya ang listahan ko. Ang listahan na yan ay naka-save lang naman kasi sa aking cellphone kaya napakadaling i-access at ipakita kung sino man ang magtanong. :)
Naalala ko ang sabi niya, "Ay, wala kang makikitang ganyan.. masyadong perfect yan." Somehow, nagtanong ako sa sarili ko kung napakataas nga ng aking standards at kailangan ko nga ba siyang babaan? Ngunit, ako'y nananatili sa aking pananampalataya na kayang ipagkaloob sa akin yan ng Diyos ko. May bahagi sa aking listahan na non-negotiables at negotiables, siyempre. Naalala ko rin ang panalangin ko ng gabing iyon, sinabi ko sa Lord, "Lord ipakita mo nga po sa taong iyon na may kaya kang ibigay sa akin na ganyan ang qualities. Kasi hindi ako papayag na hindi Mo po kayang gawin na ipagkaloob ang pangako Mo sa akin."
Lumipas ang ilang buwan at ako'y nagpatuloy lamang sa aking usual na gawain.. trabaho, bahay, church, liwaliw sa Palawan... at nang sumunod na buwan, mukhang may maliit na intro isinulat ang Lord... yan ang isusulat ko sa susunod na mga panahon. Kung paanong nagsimula ang Lord sa pagsulat ng aking lovestory.
P.S. May boyfriend na nga pala ako ngayon mula sa Lord... Ang pangalan niya ay Allen Paul Rubian Gloria...
words by Zha-Zha on Sunday, January 31, 2010 2 comments
Labels:
life's journey,
love,
love story