February 7, 2010

Tayo Na?

October 5, 2008. Papunta ako sa kusina ng aming church nang madaanan ko siya, isang matagal ng kaibigan na nakababata sa akin ng sampung taon. Nagtetext siya sa kanyang cellphone.

"Text ng text, dami talagang chicks," ang biro ko sa kanya at nagpatuloy ako sa paglalakad patungong kusina.

"Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh!", ang sagot niya.

Nabigla ako, ngunit nasa mood akong magbiro kaya't sinakyan ko ang biro niya sa akin. "Mahal din naman kita, ah!" (Ang nasa isip ko ay pagmamahal sa isang kapatid at kaibigan lamang.) Ngunit di ko alam ang dahilan kung bakit dinagdagan ko pa ang aking sagot ng, "O eh pano yan? Di tayo na?" Sabay tawa ng malakas.

Bigla siyang tumayo, sabay sabi ng, "Oo ba, ano i-announce ko na ba?"

"Ok ka lang? Joke lang yun noh!", ang nabibiglaanan kong sagot.

Pagkatapos nito ay tumuloy na kaming dalawa sa meeting. Bago magsimula ang meeting ay pabulong na tinanong niya sa akin, "Sabihin ko na ba sa kanila?"

"Ang alin?", nakalimutan ko na ang mga nangyari.

"Yun tungkol sa ating dalawa...", ang sagot niya.

"Huh? Joke lang kaya yun," ang tugon ko na nanlalaki pa ang mata.

Pagtapos ng meeting ay dumalaw kami sa isang kasamahan sa church na nagdaraos ng kanyang kaarawan. Kasama namin ang iba pa naming mga kaibigan.

Tinutukso pa niya ako sa isang kasama namin sa church. May nabanggit siyang, "kung ayaw mo, ako na lang", na akin namang ibinibilang sa mga pagbibiro niya. Pagkatapos kumain ay umuwi na kami.

At inakala ko ngang biruan lang ang lahat dahil sa lumipas ang isang linggo na wala naman kaming communication.

The Lord God said, "It is not good for the man to be alone. I will make a helper suitable for him." - Genesis 2:18

0 comments: