October 12, 2008. Linggo na naman. Ito ang araw ng pagsamba at muling pagkikita-kita naming mga magkakasama sa church. Pagkatapos ng service ay nag-aya akong kumain sa Chowking. Treat ko!
Habang kaming lahat ay kumakain, nabanggit na maganda ang 'Eagle Eye'.
"Uy, maganda daw yun, nood tayo?" ang sabi ko.
"Nood tayo, sama ka Jay?" ang tanong niya sa isang kaibigan namin.
"Tara, nood tayo..", ang sabi ko pa.
"Ahm, hindi ako pwede eh..", ang sagot ni Jay.
Akala ko ay hindi na kami tuloy, kasi kaming dalawa na lang ang manonood kung sakali. Pagtapos ng aming pagkain at uuwi na sana. Lahat ng aming mga kasama ay sumakay na ng van. Iniisip ko kung tuloy pa ba o hindi na ang aming panonood.
"Ano? Tuloy tayo?", ang tanong niya sa akin.
Inisip ko na wala namang masama kung manonood kami na kaming dalawa lang. Magkaibigan lang naman kami, di ba? At dahil na rin sa gusto kong mapanood ang Eagle Eye ay pumayag ako. Nagpaalam kami sa iba pa naming kasama.
Sumakay kami ng jeep papuntang SM. Ngunit, di pala showing dun ang Eagle Eye. Tiningnan pa rin namin kung ano ang iba pang pwedeng panoorin. Nakabili na kami ng ticket at papunta na doon sa Cinema, nang mapansin ko ang poster ng Mirrors.
"Yan na lang kaya ang panoorin natin? Mukhang mas maganda yan kesa dito sa panonoorin natin.", ang sabi ko sa kanya. "Pwede pa kayang papalitan itong movie tickets?"
"Sige, tanong natin.", ang sagot niya.
Hindi ko alam kung talagang ganon ang kalakaran pero pumayag naman ang takilyera. Kaso lang maghihintay pa kami ng isang oras bago ang next screening ng Mirrors. Nagpasya kaming maglibot na muna ng mall. Pumunta rin kami ng PCBS. At dahil sa kakilala niya yun nagtitinda roon ay binati niya ito.
"Sya ba ang lagi mong kinukwento sa akin?" ang tanong nito sa kanya. Hindi ko narinig na sumagot siya, at siyempre hindi ko alam kung umiling siya o tumango, dahil sa nakatalikod ako sa kanya.
"Ay, hindi ako yun. Pero kwento mo sa akin at kilala ko yun kung sino," ang sagot ko.
Habang kami ay nagba-browse ng mga libro, bigla na lang niyang nabanggit na ang "love" daw ay hindi naman hinahanap, kung minsan ay magugulat ka na lang at bigla na lang itong nangyayari. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin noon at hindi ko rin naman tinanong.
Ayan, nakalipas na ang kulang isang oras at kami ay manonood na ng mirrors.
Movie trailers pa lang ang ipinapakita ng kami ay pumasok ng sinehan. May ipinakitang trailer ng isang suspense movie, biglang hinila yun paa ng babae. Nagulat ako, sabay siko ko sa kanya ng nanginginig pa. Natawa siya, sabay tapik sa ulo ko na waring pinapayapa ako.
Nag-enjoy naman ako sa panonood ng Mirrors. Umuwi na kami. Hinatid niya ako hanggang sa sakayan ng tricycle.
Pagdating ko ng bahay ay nakatanggap ako ng text message mula sa kanya, "Nag-enjoy ako, next time ulit!".
"Ako rin nag-enjoy, salamat."
Kalendaryong Malupit
9 years ago
0 comments:
Post a Comment