November 5, 2008

meron akong kwento...

All that I know now is partial and incomplete, but then I will know everything completely, just as God knows me completely. Yan ang sabi sa Bible, yan ang mababasa sa 1 Corinthians 13:12b.

Meron akong kwento, hindi ko pa lang maikwento... hehehe

Kahapon ako'y nagdiwang ng aking kaarawan... (Oist! sapat na yung malaman mong birthday ko kahapon, wag mo ng itanong kung ilang taon na ako sapagka't di na ako nagbibilang ng aking edad mula nang ako'y mag-debut... LOL!)

Balik tayo sa kwento ko... November 3, mga past 10pm na ako nakarating ng bahay pagtapos ng aming meeting sa church. Kahit na pagod ang aking katawang lupa, for the first time in history... hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na antayin ang ika-12 ng umaga ng November 4. Habang aking inaantay ang pagtuntong ng alas dose, ang aking ginawa'y nanalangin sa Panginoon. Akin ring inilagay sa "flight mode" ang aking cellphone at ng ako'y di maistorbo ng anumang text messages, sapagkat ang nais ko'y makapiling ang Panginoon... siya at ako lamang... :) Natapos ang aking panalangin, aking tinanong Siya kung ano ang kanyang mensahe para sa aking kaarawan...

At ito ang aking nabasa na tunay naman na nangusap sa aking puso:

Is it not my family God has chosen?
Yes, He has made an everlasting covenant with me
His agreement is arranged and guaranteed in every detail
He will ensure my safety and success. - 2 Samuel 23:5

Ang mga talatang ito ay nagbalik sa akin noong taong 2002 ng una kong tanungin ang Panginoon, kung ako ba'y mag-aasawa pa o hindi na... Nakakatuwa sapagkat sa aking devotion, ang aking nabasa ay mula sa Ecclesiastes 4:12 "Two are better than one because they have a good reward for their labor. A cord of three strands cannot easily be broken".

At sa pagbuklat ko ng aking devotion mula sa "From This Verse" ay ito ang nakalagay...

One Plus One


Often in my ministry I'm asked to prepare a marriage ceremonies from today's passage, for it tells us that one plus one equals more than two. A good marriage exceeds the sum of its partners.

Charles Wesley thought so, too. Charles isn't as famous as his brother John Wesley, the founder of Methodism; yet Charles' hymns are far better known than John's sermons. All over the world, Christians still sing, O For a Thousand Tongues; Christ The Lord Is Risen Today, Hark The Herald Angels Sing and Jesus Lover of My Soul.

Charles wrote hymns day and night, sometimes jumping off his horse and running into nearby houses, shouting, "Pen and ink! Pen and ink!" He reportedly composed 8,989 hymns during his lifetime, an average of ten poetic lines every day for fifty years. He was still writing hymns on his deathbed.

When Charles fell in love, he wrote his love letters in the form of hymns, composing forty of them, right up to his wedding day.

He was forty years old and had met Sally Gwynne, who was half his age, while on a preaching trip in Wales. Sally's father, a wealthy landowner and magistrate, had initially opposed the Methodist movement, but he came to be one of the Wesley's most enthusiastic supporters.

As Charles pondered his love for Sally, and as he studied Ecclesiastes 4, he brought the two subjects together in a hymn that began:

Two are better than one
For counsel or to fight
How can one be warm alone
Or serve his God aright?

The couple was married on August 3, 1749, at Garth, Wales with John officiating. Charles preached at their honeymoon spot for two weeks, then left for an evangelistic tour. Their marriage, however, was a happy one, and Charles soon cut back on his journeys, deciding that two, after all, are far better than one.


Pagtapos kong manalangin, akin ng ibinalik sa Phone mode ang aking cellphone upang makatanggap ng mensahe... Meron naman akong natanggap na mensahe, isang pagbati ng maligayang kaarawan mula sa isang taong di ko pa mapangalanan... saka na lang pag sigurado na ako... hahaha

Meron akong kwento.. hindi ko pa lang maikwento sapagkat nasa unang bahagi pa lang ang Diyos ng kanyang pagsusulat ng aking sariling kwentong pag-ibig. Ayaw ko Siyang pangunahan kaya't mananatili muna ang bawat pangyayari sa aking puso't isipan.. saka ko na lang ibabahagi sa inyo kapag ang lahat ng ito'y naging malinaw na sa aking isipan... at makita ng totohanan. Uy, excited.. hahaha!

2 comments:

Anonymous said...

Mukhang masaya ang ang birthday mo! i'll wait for the next installment of your story! :p

Zha-Zha said...

hehehe... for the meantime ang lahat ng kwento ko ay naka-save lang... di ko pa maipublish... kasi baka mabisto ako.. hahaha... :)

yaan mo, kwento ko sa iyong lahat... :) masaya ang buhay.... :)